login
♥LaMiA♥ ♥Mangedelelux♥ errr....shattered self-esteem...xD...*serious*

Featured Song

To listen to music and watch video on imeem, you'll need at least Macromedia Flash Player 9 and JavaScript enabled in your browser.

Featured Music Playlist

To listen to music and watch video on imeem, you'll need at least Macromedia Flash Player 9 and JavaScript enabled in your browser.

Blog Post

blog post Florante at Laura Script...^^
Category: school days
Posted: Mar 29, 2009 at 2:43 AM
Current mood: mellow
FLORANTE

AT

LAURA
Script

Angelicum 12

OPEN CURTAINS

Scene 1
{Maghihintay Ako- Background Music}

Prinsesa Floresca karga ang sanggol ng ngangalang Florante.

Scene 2
{Castle- Background Music}

Larawan ng isang masayang kaharian ang kaharian ng Albanya na pinamumunuan ni Haring Linceo, ang ama ni Laura na tanging iniibig ni Florante. Si Florante naman ang bugtong na anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Si Prinsesa Floresca na anak ng Hari ng Krotona. At si Duke Briseo na siyang taga payo ng Hari ng Albanya.

Napagkasunduan isang araw nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca na ipadala si Florante sa Atenas upang mag-aral sa pangangalaga ng maestrong si Antenor. Dito niya nakilala si Menandro, na naging kaibigan niya at si Adolfo.

{Olympic Dream- Background Music}

Duke Briseo:

Aking anak ika’y makinig,
Padadala kita sa Atenas mong hilig.
Pangangalagaan ka ng maestrong si Antenor,
Wag kang mag-alala ‘di siya konsintidor.

Prinsesa Floresca:

O, aking Florante ito ang habilin ko,
Maging matapang ka ngunit huwag magbabago.
Patnubayan ka sana ng Poong Maykapal,
Nang ang iyong buhay ay ‘di mapasugal.

Florante:

Ama’t ina ko, ‘wag mag-alala
Hindi ako paaabala.
Tatanggapin ko nang buong-buo
Ang mga pagsubok na saki’y iulo.

{open & close curtains}

Scene 3
{No Background Music}

Antenor:

Makinig kayo, mayroon kayong bagong kaklase.

Adolfo:

Mga kaklase ko ako’y hangaan niyo
Ng pag-aalala ko’y mapasainyo.

Menandro:

Heto na, heto na ang bagong kaklase niyo,
Nagpapakita ng lakas at tindig pa nito.

Florante:

Mga kapatid nandirito ako,
Handang tumulong kung kailangan niyo.

{open & close curtains}

Scene 4
{Castle- Background Music}

Nanibugho si Adolfo kay Florante sa pangyayaring iyon na naging dahilan ng pag-alis niya sa Atenas. Di pa nagtagal ay tumanggap siya ng liham buhat sa ama at nagbabalitang namatay ang kanyang ina na labis niyang ikinalungkot.

{Bella’s Lullaby- Background Music}

Antenor:

Florante, ika’y may sulat galing sa iyong ama.

Florante:

Galing kay ama?! Salamat! (binasa ang sulat}
(naghihinagpis) Ina ko! Bakit mo ako iniwan?!

Antenor:

Tahan na Florante. Hindi ka iniwan ng iyong ina.
Ngayo’y kasama na niya ang Poong Maykapal.
Lagi ka niyang nakikita.

{open & close curtains}

Scene 5
{Castle- Background Music}

Muli siyang nakatanggap ng liham na nagsasabing umuwi siya ng Albanya at na atasan ipagtanggol ang Kaharian ng Krotona, ang Kaharian ng kanyang ina.

Haring Linceo:

Florante ika’y makinig,
Inaatasan kitang ipagtanggol
Ang Kaharian ng Krotona.

Florante:

Masusunod kamahalan. Lahat ay aking gagawin
Maipagtanggol lamang ang Kaharian ng aking ina.

Bago umalis patungong Krotona ay nakaharap at nakilala niya si Laura.

{Olympic Dream- Background Music}

Florante:

O, magandang dilag sinong pangalan mo?
Bakit ika’y nagpapabilis ng kaba ng dibdib ko.

Laura:

Sino ka? O, sino ka? Minamahal na ba kita?

Florante:

Bakit baga ang puso kong ito’y nababagabag na?
Ikaw kaya’y ang magandang anak ng Hari ng Albanya?

Laura:

Tama ka. Tama ka. Tama ka aking sinta!
At ikaw ay…ikaw ba? Ang anak ng Duke Briseong isa?

Florante:

Ako nga irog. Salamat at nakita ka! (hug)

{Fighting Scene}
{Castellated Nut- Background Music}

{open & close curtains}

Scene 6
{Very Scary 1 & 2- Background Music}

Tagumpay ang pakikipaglaban niya sa Krotona at sa iba pang digmaan. Tinanghal siyang bayani na lalong nagpainggit kay Adolfo.

Adolfo:

Ikaw talaga Florante,
Ika’y laging importante .
Maghanda ka! Maghanda ka!
Sa pangyayaring magaganap na. (evil laugh)

{open & close curtains}

Scene 7

Nang nasa Etolya si Florante, nakatanggap siya ng liham na may lagda ng hari.

Menandro:

Florante ika’y may sulat galing sa Hari ng Albanya.

Florante:

Salamat. (babasahin sabay ang narration)

Na nagsasabing bumalik siya sa Albanya. Pinauuwi siyang mag-isa at ipinabilin ang buong hukbo kay Menandro. (nakaalis na si Florante tapos may isang kawal na nagbigay kay Menandro ng isang liham) Si Laura naman ay nagpadala rin ng liham kay Florante na nagbabalita ng mga kasamaang nangyari sa Albanya at kung paano naging hari si Adolfo. Naunang dumating ang sulat na may lagda ng Hari. (sign of the croos si Menandro)

{open & close curtains}

Scene 7
{Very Scary 2- Background Music}

Pagdating sa Albanya agad siyang hinuli at ipiniit at pagkatapos ay dinala sa gubat upang ipakain sa mga leon.
(pagdating ni Florante sa Albanya)

Florante:

Anong kahulugan nito?!
Bakit ikaw Adolfo ang nasa trono
At bakit suot mo ang korona ng Hari?!

Adolfo:

(evil laugh) Hindi mo ba alam aking kaibigan?
Ako na ang bagong Hari ng Albanya! (evil laugh)

Florante:

(hinahawakan ng dalawang kawal)
Walang hiya ka Adolfo! Isa kang traydor!
Hindi tayo magkaibigan!

Adolfo:

(sasampalin si Florante) Ilagay siya sa kagubatan!
Igapos siya sa puno ng higera at ipakain sa mga leon!
(evil laugh)

Florante:

Bitawan niyo ko! Hindi ako papayag na mamuno
Ang kasamaan sa kahariang ito! Bitawan niyo ko!

Adolfo:

(evil laugh)

{open & close curtains}

Scene 9
{Bella’s Lullaby- Background Music}
(Nakagapos si Florante sa puno ng Higera)

Florante:

Bakit ba? O, bhakti ba?
Nagkaganito’t nag-iisa.
Bakit baga noong kami’y magkahiwalay ay di pa nakitil
Yaring abang buhay, kung gunitain kay aking kamatayan,
Sa puso ko Laura’y di ka mapaparam.
Sa may gitna nitong mapanglaw na gubat,
May punong higera daho’y kulay-pupas;
Dito nakagapos ang kahabag-habag,
Isang pinagusig ng masamang palad.
Anong loob kaya nitong nakagapos
Ngayong nasa harap ang dalawang hayop;
Na ang balang ngipi’t kuko’y naghahandog,
Isang kamatayang kakila-kilabot.

{open & close curtains}

Scene 10

Si Laura nama’y nasa masamang mga palad ni Adolfo nang hindi niya tinanggap ang pag-ibig nito.

{Bella’s Lullaby- Background Music}

Laura:

Baguntaong basal ang anyo at tinig,
Kahit nakatali kamay, paa’t liig;
Kundi ang Florante ko’y tunay na Adonis,
Mukha’y sumisilang sa gitna ng sakit.
Makinis ang balat at anaki’y burok,
Pilikmata’t kilay, mistulang balantok;
Bagong sapong ginto ang kulay ng buhok,
Sangkap ng katawa’y pawing magkaayos.

{Very Scary 2- Background Music}

Adolfo:

Laura, sagutin mo ko.

Laura:

Ayoko! Si Florante ang mahal ko.

Adolfo:

Bakit ayaw mo akong sagutin?!
Tignan mo ko! Tignan mo ako Laura!

Laura:

Umalis ka Dito! Sinabi ko na sayo na tanging
Si Florante lamang ang mahal ko! (sasampalin ni Laura si Adolfo ngunit naudlot dahil hinawakan ni Adolfo ang Kunyang kamay)

Adolfo:

Akin ka lang Laura! Akin ka lang!
Kung hindi ka madala sa santong usapan,
Idadala kita sa santong mabilisan!

Laura:

Bitawan mo ko! Saan mo ko dadalhin?!
Ayokong sumama sayo! Bit…(biglang susuntukin ni Adolfo si Laura)

{open & close curtains}

Scene 11
{Jungle- Background Music}

Samantala isang Morong nagngangalang Aladin ang nagawi sa kabilang dako ng kagubatan. Narinig nito ang panambitan ni Florante tungkol sa pagmamahal sa kanya ni Duke Briseo at ng kanyang sintang si Laura.

Aladin:

Nasa’n ba? Saan kaya?
Ang tinig nitong nangungulila.
Sino ba? Sino kaya?
Ang binatang itong nanananghoy ng sadya.

{Makita kang Muli- Background Music}

Aladin:

Bakit nga ba? Ba’t nagkaganito?
Tanging ama ko pa, ang pinapapatay ako.
Pinagbintangan na, pinapapatay pa!
Makakaya ko kayang kalabanin siya,
Kung ang Flerida ko’y nasa mga kamay na niya?
Pareho nang sinapit kaming dalawam,
Nararapat lamang ay tulungan ko siya.

Sa pagdating ni Aladin sa kinaroroonan ni Florante, nadatnan niyang sisilayin na ng dalawang leon ang binata. Pinatay ng Moro ang mga leon at pagkatapos ay pinakalawan ang walang malay na si Florante.

(habang nakikipaglaban si Aladin sa mga leon)

Aladin:

Tanang balahibo’y pinapangalisag,
Nanindig ang buntot na nakakagulat;
Sa bangis ng anyo at nginasab-ngasab,
Puryang nagngangalit ang siyang katulad.
Nagtaas ng kamay at magkaakma
Sa katawang gapos ang kukong pansira;
Nang darakmain na’y siyang aking pagsagasa,
Ang bagong Marteng lumitaw sa lupa.
Inusig ko ng taga ang dalawang leon,
Sa Apolo man din sa serpyente Piton;
Walang bigong kilos na di nababaon,
Ang lubhang bayaning tabak na pamutol.
Kung aking ipaminlantik ang kanang pamatay
At saka isalag ang pang-adyang kamay;
Maliliksing leon ay nangalilinlang,
Kaya di naglao’y nangagumong bangkay!
YaaaH!!!

{Lion Sound Effects}

{pinakawalan ang walang malay na si Florante}

{open & close curtains}

Scene 12

Ang minamahal naman ni Alading si Flerida ay napilitang magpakasal kay Sultan Ali-adab, ang ama ni Aladin upang mailigtas sa tiyak na kamatayan ang kanyang minamahal. Ngunit, nang malaman niyang ligtas na sa kamatayan si Aladin, tumakas ito isang gabing madilim upang hanapin ang irog niyang mahal hanggang marating ang gubat.

(habang nakaupo si Sultan Ali-adab at si Flerida sa trono at inaanunsyo ni Sultan Ali-adab ang pagpapakasal nilang dalawa)

Sultan Ali-adab:

Aking mga kababayan ako’y may mahalagang bagay
Na iaanunsyo sa inyo. Kaming dalawa ng aking sintang
Si Flerida ay magpapakasal na.

(habang nagsasalita si Sultan Ali-adab)

Fera:

Psst! Flerida, ako ito ang iyong kaibigang si Fera.

Flerida:

Fera!...Bakit ngayon ka lang? Buti at nagpakita ka.
Ngayong kelangan ko talaga ng karamay sa malungkot
Kong buhay.

Fera:

Alam ko Flerida. Kaya ako ngayon ay nandirito
Upang ipaalam sa iyo ang magandang balita.

Flerida:

Magandang balita? Wala nang maganda
Sa buhay kong ito, ngayong nasa kapahamakan
Ang buhay ng aking Aladin. (sigh)

Fera:

Yun ang akala mo Flerida
Pero ligtas na ang iyong Aladin!
Ika’y aking isasama sa pag-alis mamayang gabi,
Na tulog na ang buong Persia.
Ng sagayon ay makapiling mo na siya.

Flerida:

Salamat! Maraming salamat!
Ngayon ay nabuhayan na ako ng loob!

{open & close curtains}

Scene 13
(gabi ng pagtakas)
(kagubatan)

{Jungle- Background Music}

Flerida:

O, aking Aladin, ika’y nasaan?
Heto ako’t nangungulila talaga.
Nasaan ka? Nasaan ka?
Sana’y mahanap na kita.
Nang abang puso ko’y ‘wag nang mag-alala.

Patuloy ang paghahanap nina Flerida at Fera kay Aladin hanggang sa makita niyang pinagsasamantalahan ni Adolfo si Laura kaya pinana niya si Adolfo at namatay ito.

(sumisigaw si Laura ng tulong habang tumatawa lang si Adolfo)

Flerida:

Sino ba? Sino ba ang mapangahas na iyan?
Bakit mapagsamantala’t panggagahasa ang alam?
Dapat ay tulungan ang nangangailangan.
Ng aking isipan maniwalagan man lang.

(pinana si Adolfo at sisigaw sa sakit ito)

{Throw Knife Sound Effects}

Laura:

Maraming salamat sa iyong pagtulong,
At ako’y nakawala sa pagkakakulong.
Naibalik na muli ang hininga kong bugtong.

Naging tahanan nina Florante at Aladin ang gubat nang dalawang taon. Hanggang isang araw habang namamasyal sa gubat ang dalawa’y may naulinigan silang mga tinig na nagkwekwentuhan.
{Chirping Birds Sound Effects}

Laura:

Alam mo ako’y nananabik na makita ko siya
Makasama na muli at wag nang mawalay pa.

Flerida:

Ako nama’y umaasa na siya’y makasama,
Sa buhay kong ito puno ng alinta.

Fera:

Mahal niyo talaga ang iyong mga sinta.
Sana’y magkita na kayo at magkapiling
Nang habang-buhay!

(tatawa ang tatlo sabay sabi nila Flerida at Laura ng sana nga…*sigh*)

Tinuton ng dalawang lalaki ang mga nag-uusap at laking galak ng mga ito ng makilala ang mga dalagang, sina Laura at Flerida.

Aladin:

O, aking Flerida,
Salamat at nakita ka.
Masayang-masaya ang puso ko sinta!

Flerida:

Di mo alam kung gaano kasaya
Ang makita ka muli makasama ko sinta.

Laura:

Di lubhang naglaho noong pag-alis mo
O, sintang Florante sa Albanyang Reyno,
Narinig sa baya’y isang piping-gulo,
Na umalingawngaw hanggang sa palasyo.

Florante:

Wag nang mag-alala, O, sintang Laura ko,
Heto na, heto na ang nag-iisang Florante mo
Sana, O, sana’y makasama kita
Sa buong buhay ko, sa tuwi-tuwina!

Naging Masaya muli ang gubat na dating malungkot at mapanglaw sa pagkita-kita nila muli. Naragdagan pa ito ng dumating si Menandro kasama ang hukbo at nalaman na nabawi na kay Adolfo ang Kaharian.

Fera:

Salamat at nagtagpo sila! Ako kaya.
Kelan kaya ako magkakaroon ng tunay
Na pag-ibig.

(habang nagsasalita si Menandro, aakbayin si Fera)

Menandro:

Biba si Floranteng Hari ng Albanya…
Mabuhay, mabuhay ang Prisesang Laura.

Laura, Flerida, Florante, Aladin:

Ui!~…(tatanggalin ni Fera ang kamay ni Menandro sa Kunyang balikat)

Dinala sa reynong ipinagdiriwang ni Aladin at ni Fleridang hirang, kapwa tumanggap na mangabinyagan; magkakasing-sinta’y nanaos makasal. Namatay ang bunging Sultan Ali-adab, inuwi si Aladin sa Persiang syudad; ang Duke Briseo sa trono’y maakuat, sa siping ni Laurang manumiting liyag. Sa pamamahala nitong bagong hari, sa kapayapaan ang reyno’y nauwi; Dito nakabangon ang nalulugami, at napasatuwa ang napipighati.

Kaau nga’t nagtaas ang kamay sa langit, sa pasasalamat ng baying tangkilik ang ahri’t ang reyna’y walang iniisip kundi ang magsabog ng awa sa kabig. Nagsama sila lubhang mahinusay hanggang sa nasapit ang payapang bayan. Kapwa naghari ang kapayapaan sa Kahariang kani-kanilang pinagharain. At sila’y namuhay nang masaya……………………


....WAKAS!....
....PANGAON!...

Profile Comments

Jun 1st, 4:45am
lyks, may meeting raw ng SSG tomorrow (june 2). sabihan nlng kita kung wat tym. kay di pa sure. :)
May 28th, 5:15am
haha. tapos ka na pati yung oral reading?? :)

ako. tapos na dn, pwo d pa nagtake ng oral reading ^^
May 26th, 1:11pm
ahaha. :))
yung iba, di kunu cla matake. :D
*daya oh. XD
May 24th, 4:19am
:]

ok lng naman summer ko. ^^. how about yours??
nagtake ka na ng entrance??

yea. most of the times, nakikita ko father mo sa JK. :D
May 21st, 2:02am
^_^ ^_^ ^_^ ^_^ : ) : )
just sending you smiles, wait smiles form a stranger are creepy lol ^_^
how are you doing?
May 7th, 12:36pm
hi lyks, how are you?? :) miss you a lot. take care. :) hope to see you soon
Mar 29th, 2:36am
click to comment

~L.m.A's baxk rEpappipZ..^^..oh coRrection, it's LaMiA..xD..^^~

||*LaMiA*||
RssFeed

About

Description
.......mah whole name is **** *** *. ***-** haha....

>>>>mah love for music i cannot express
>>>>I have other favs not only muzic, many to mention
>>>>i would kill myself first before Earth becomes a world of silence (in Short, sound is as important as oxygen to me)
>>>>I'd rather be stuck in a great oblivion than having the art of muzic not introduced to mankind

uhhhmmm...anywayz, i'm really picky when it comes to the muzic i listen to...
i hear things you dont even bother listen to...haha...chahruz....


"MUSIC SPEAKS WHAT CANNOT BE EXPRESSED, SOOTHES THE MIND AND GIVES IT REST, HEALS THE HEART AND MAKES IT WHOLE, FLOWS FROM HEAVEN TO THE SOUL...." bow*bow*

**********************************************************
||..LaMiA..||
Basic
gender
Female
relationship
Single
birthday
December 09, 1994
Contact
cell phone
erRrn...
home phone
mmhhhmm...nxt ques. plz...XD
 
 
Yahoo
Mangedelelux_datenshi@yahoo.com
Yahoo
Lyka94_oreo@yahoo.com
Network
highschool
Tacloban Angelicum Learning Center '08
 
 
Interests
clubs
"CCW"...GLAM Clique..."ASOUE Adctz"...B****(hey!it's not wat yu think XD)LaLa...KkK...(otherz are too embarrassing to mention...^_^)hehe...
talents
Visual Arts...Singing...OC.{xD}..
Entertainment
music
J-pop...J-Rock...Indie rock...Accoustic...Techno...Jazz...Classical...Reggae...Country...Pop
artists
~Alanis Morissette..Bonnie Pink..Corrine Bailey Rae..Dashboard Confessional..Evanescence..Hillsongs United..Marie Digby..Marit Larsen..Michelle Branch..Moonstar88..OLIVIA..Paramore..Plumb..Secondhand Serenade..Sitti..The Corrs..The Dresden Dolls..~Mark Ryden..Black Apple..Brett Helquist..
movies
A Tale of Two Sisters..ASOUE..Becoming Jane..Memoirs of a Geisha..My Sassy Girl..Pirates of the Carribean..Grudge..My Little Bride..Death Note..NANA..Scary Movie..Seducing Mr. Perfect..Twlight,*howl*..
tv shows
Coffee Prince..F.R.I.E.N.D.S..Goong..Hana Kimi Japan..Music Station..Stairway To Heaven..That 70's Show..The Simpsons..ANIME:Air Gear..Chobits..Death Note..Detective Conan..Gakuen Alice..Gokinjo Monogatari..Honey and Clover..La Corda D'oro Primi Passo..Myself; Yourself..NANA..Ouran High School Host Club..Paradise Kiss..
actors
Johnny Depp, Jim Carrey, Emily Browning, Liam Aiken, Toma Ikuta, Kim Jeong Hoon, Zang Zi Yu, Choi Ji Woo, Ashley Greene, Jackson Rathbone.*hyperventilate*..

Music

Recent Media

Beautiful - Patrick Nuo
(Duration: 4:02)
Jun 6th, 1:30am
Swing Swing - The All-American Rejects
(Duration: 3:50)
Jun 6th, 1:26am
Jumper - Third Eye Blind
(Duration: 4:33)
May 28th, 1:33am
Huwag Ka Nang Iiyak - craeons
(Duration: 5:26)
May 28th, 1:25am
Miskol - Craeons
(Duration: 3:50)
May 28th, 1:12am
Track 15 - Instrumental
(Duration: 4:56)
May 19th, 2:22pm
The Show - Lenka
(Duration: 3:55)
Apr 30th, 8:29am
Starless Night - OLIVIA (Reira)
(Duration: 4:18)
Jun 3rd, 6:25am
Everywhere - Michelle Branch
(Duration: 3:40)
Jun 3rd, 5:39am
Its Gonna Rain - Bonnie Pink
(Duration: 4:34)
Jun 3rd, 5:29am