Ano daw? Ah Birthday ko pala!
Posted in Think About It on Feb 05, 2008 at 8:55 PM
Current mood: sick
Matahimik ang gabi at sa aking pag-iisa
Habang sa net naglilibot, naghahanap, lumilinga
'Sang libangan, bagong kaibigan, o anumang musika
Matagpuan, masilayan at mapansin baga
Sa kakahanap ko, ay may natunghayan
Isang musikang may link, at may kanyang pangalan
Sinundan ko ang pahina at sadyang tinututukan
At sa IMEEM napadpad at ako'y nasiyahan
Nag sign-up ako kaagad sa "Treb" na pangalan
Binaligtad na "Bert", na "Gilbert" ang pinagmulan
Para itago ko sana ang tunay kong ngalan
Sabay lagay ng litrato, pinaka-pogi kong larawan
Dali-dali kong hinanap, mga musikang alam
Mga musikerong luma na't taglay ng kabataan
Paboritong awiting may kintal kaisipan
Mga "Awit ng Mortal" aking binansagan
Alala ng nakalipas muli kong binalikan
Sa pakikibaka't pag-ibig diyan sa lansangan
Sa tama man o mali sinong huhusgahan
Ang tangi kong alam ay pag-ibig sa bayan
Nalilibang, nasisiyahan sa aking pakikinig
Sa mga musikang tinipon ako'y nasasabik
Sa tuwing tutugtugin mga awit ng pag-ibig
Akoy lumulutang, nagpatianod na parang tubig
Sa panahon ng mga hair bands, ako ay isinilang
Kinalakhang mga awiting pumapailanlang
Sa radyo't man o sa TV aking napapakinggan
Ngayo'y inipon ko't isinama sa Rock Band
'Sang araw'y may nakita, 'sang comment na maganda
Galing kay Navigator, taga New York daw siya
At siya daw'y namangha sa mga awiting tala
Sa "Awit ng Mortal" siya raw ay taga-hanga
Akoy inimbita at sa Germz daw ay sumama
Mga pinoy-pinay dito, sang barkadang masaya
At ito'y sinimulan ng mga miyembro ng banda
Na Germz ang pangalan at hit na hit sila
Mga awiting pinasisikat dito'y maririnig
"Infect the Nation" yata ang kanilang carrier music
Pero lalo kong gusto sa aking pandinig
Sa "Munting Paraiso" ang lahat kinikilig
At dito ko nakilala silang magaganda
Si BFF Lou nama'y siya talaga ang una
At pagdakay ayan na't bitbit pa ang iba
Si Kit na Marikit, bumati't nag-hello siya
Si Kathz sadyang sikat at ako'y winelkam niya
Si Pau ay sumingit sabay "welcome sa 'yo kuya"
Si Eve sa ngiti niya, makalaglag salawal baga
Si Chrissy na Dyossa, super ang ganda niya
Si Dette, Si Jemima, madalas kong ring makita
Si Iren kung minsan, sumisilip din pagdaka
Si Jackie'y dumating buhat sa Manila
Si Ranx nama'y friend ng ating si Paulina
Heto pa si Kristine, nakopow! ang beauty niya
Si Jheymz nama'y ubod haneps ang appeal niya
Isama mo pa si Sheila, Si Mizh at si Charina
O ano mga pare ko...may hahanapin ka pa?
Siyemre mga boys naman ay magpapahuli ba
Simulan natin kay Andres na punong abala
Isunod natin si Perzee lovey-dude ni Dyossa
Sama mo pa si Thon, music lover daw siya
Si Pareng Vhic naman na "frenship" ni Mareng Lou
Kapibahay daw sila dati diyan sa may Kankaloo
Idagdag pa natin dito ang Wafung si Pardz Emilyo
Kung kelangan mo ng saklolo sa kanya ka tatakbo
Si Alipio'ng kung magtalumpati ay parang litanya
Pareng Bhanie "makabayan" ay isali mo pa
Si DJ Jahbert nama'y taga-ikot nitong plaka
Meron pa bang naiwan sino pa ..sino pa?
Si Marv, si Jieboyzky, at sa ibang mga dude pa
Susulpot lilitaw, biglang magpapakita
Sisilip, gagala, labas-masok sila
Ayan ang gawain ng ating mga "Papa"
Ako'y kinakapos na't nauubusan na ng bala
Kaya't nais kong magpaalam ng pansamantala
Sa ating sagutan, mga kulitan sa twi-twina
Malugod kong pahatid ang aking paanyaya
Sa aking kaarawan ako'y inyong naalala
Mga kaibigang tapat,..halina... halika
Sa munting salo-salo nakayan ko muna
Babawi ako sa inyo pag tayo'y nagkita na
Salamat salamat, ako'y inyong pinasaya
Sa tula kong ito'y, sinikap kong itala
Pasalamat ko'y apaw ng galak at tuwa
Wala na kong ibang hiling..wala na..sapat na